Mister, sinalubong ng saksak sa hagdanan, patay

PATAY ANG isang mister matapos salubungin ng saksak ng kaaway habang ang una ay umaakyat ng hagdan upang makapasok sa inuupahang kuwarto sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Sanctisimo General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Almerto Canlas, 54, ng Pio Valenzuela St., Marulas ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na ‘Danilo’ ng A. Fernando St., Marulas ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon, umaakyat sa hagdanan ang biktima pumasok sa inuupahang kuwarto sa nasabing lugar nang salubungin at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.