Mister, ‘Sinabayan’ ang Pag-alis ni Misis; Tigok

TODAS ANG isang mister matapos magbigti sa loob ng bahay sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Patay na nang makitang nakabigti ng telephone cord ang biktimang si Benjamin Lacson, 62 ng Camus St., San Agustin ng lungsod.

Base sa ulat, kamakalawa ng umaga ay nagpaalam ang asawa ng biktima na aalis, subalit sinabi ng mister na dalhin na nito ang susi dahil aalis din umano ang nasawi.

Alas-11 ng umaga, bumalik ang ginang at laking

gulat nang makitang naka-bigti na ang biktima na na-ging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente kung saan inaalam kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Lacson.        (MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.