Mister, pinatay sa harap ng anak

PATAY ANG ISANG mister matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa tabi ng anak sa labas ng kanilang bahay sa Valenzuela City Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Cesar Baldemos, 48 ng Anak Dalita St., Marulas ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nakaupo ang biktima sa tabi ng anak na si Levy sa labas ng kanilang bahay nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Baldemos.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa VGH.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at mapanagot sa nasabing insidente.                                                    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mister, pinatay sa harap ng anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.