Mister Pinalo ang Ulo ng Misis

SWAK SA kulungan ang mister matapos paluin ng bote ang ulo ng asawa makaraan ang pagtatalo nang sitahin ng huli ang palaging pakikipag-inuman ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Rafael Sagun, 36 ng Rajah Soliman ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, kinumpronta ng biktimang si Rosemarie, 32, ang lasing na asawa sa tapat ng kanilang bahay dahil parating lasing si Rafael.

Nabuwisit ang suspek sabay palo ng hawak na bote ng alak na naging dahilan upang dumugo ang ulo ng biktima.

Nagsumbong sa mga barangay tanod ang biktima na naging dahilan upang dam-putin ang suspek at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.