Mister, Pinagmumura na, Pinagsasaksak pa

KRITIKAL ANG mister matapos pagmumurahin at pagsasaksakin ng kelot habang nakikipagkuwentuhan ang una sa harap ng bakery sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Harley Regiredo, 52, ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Arthur Ranet, nasa hustong gulang ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, kausap ng biktima ang kaibigan sa tapat ng bakery sa Phase 4, Bagong Silang nang lapitan ng suspek at pagmumurahin.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa bunutin ng suspek ang dalang patalim bago pinagsasaksak ang biktima.

Agad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRH, kung saan inaalam na kung ano ang ikinagalit ni Ranet kay Regiredo.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.