Mister patay sa traydor na tanod

PATAY ANG ISANG mister nang patalikod itong pagsasaksakin ng barangay tanod na umano’y dating nakaalitan ng una sa tapat ng kanilang kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng maraming tama ng saksak ng patalim sa likod ang biktimang si Louie Rotap, 36, may-asawa, ng Phase 9-C, Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Marcial Abet, nasa hustong gulang,  barangay tanod ng Bagong Silang ng nasabing lungsod, na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 10:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa asawa ng biktima na si Marife Rotap, nasa hustong gulang, nasa loob ito ng kanilang bahay ng marinig ang ingay at mga nagsisigawan.

Lumabas ito upang alamin ang kaguluhan hanggang sa tumambad sa kanyang harapan na pinagsasaksak ng suspek ang kanyang asawa (biktima) dahil dito nagsisigaw ito upang humingi ng tulong habang mabilis naman tumakas ang suspek.

Agad naman dinala ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin ito nailigtas sa tiyak na kamatayan ng mga manggagamot bunga ng mga tinamong tama ng saksak sa likod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dating alitan umano ang dahilan para paslangin ng suspek ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.