Mister, Patay sa mga Inawat

TODAS ANG isang mister matapos pagtulungan ng tatlong kalugar na inawat ng una dahil sa panggugulpi sa kapitbahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Agustin Tunggala, 45 ng La Loma St., Camarin ng lungsod.

Nadakip naman si Ruben Rendora, 48; at Carlo Gabriel, 26; habang nakatakas naman ang kakambal ng una na si Rolando na pawang ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, pinagtutulungan ng mga suspek ang kapitbahay na si Dan Villa, 26, sa nabanggit na lugar nang umawat ang biktima.

Nabuwisit ang mga suspek at pinagtulungang bugbugin ang biktima kung saan pinagsaksak pa ito ni Rolando.

Matapos ang insidente ay binuhat ng mga suspek ang biktima at ibinalibag sa bahay ng mga Tunggala bago nagsitakas.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip sina Ruben at Gabriel habang nagpapagamot dahil nasugatan sa East Avenue Medical Center habang nakapuga na si Rolando.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.