Mister, Patay sa Lover ni Misis

PATAY ANG isang 54-anyos na mister matapos itong barilin ng kalaguyo ng kanyang ginang gabi noong Valentine’s Day sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ang napaslang na mister na si Alejandre Alemani, residente ng Brgy. Buenavista Murcia, Negros Occidental.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi ng February 14 nang umalis ang ginang ng biktima na si Elma sa kanilang bahay, sa pagtataka ay pasimple umano itong sinundan ng biktima.

Nakita umano ng biktima na pumasok ang asawa sa bahay ng isang Roger Dela Paz sa kalapit lamang din na barangay. Sa pag-aakalang mayroong lamang kukunin o aalamin ay naghintay lamang ang biktima sa ‘di kalayuan.

Subalit nang magtagal umano ay dito na sumilip sa giwang ng dingding ang biktima upang alamin kung anong nangyayari sa loob, at dito nga tumambad sa biktima ang pakikipagtalik ng asawa sa kalaguyo nitong si Dela Paz.

Nanlulumo umanong umuwi ng kanilang bahay ang biktima at nang dumating ang kanyang asawa ay agad na binugbog at kinumpronta, hindi pa umano nakuntento ang biktima ay sinugod nito ang bahay ni Dela Paz subalit naunahan siya ng huli at binaril sa dibdib dahilan para mamatay agad.

Itinanggi naman ni Dela Paz ang krimen dahil wala umano itong baril pero aminadong matagal na silang may relasyon ng asawa ng biktima na si Elma.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mister, Patay sa Lover ni Misis

Leave a Reply

Your email address will not be published.