Mister, Patay sa Kinulit na kainuman

 

PATAY ANG isang mister nang pagsasaksakin ng kainuman nang makulitan ang huli sa una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jomark Escande, 37 ng Lapu-Lapu St., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Ronron ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, inabot ng ala-1 ng umaga ang inuman ng suspek at biktima kung saan naging makulit na si Escande.

Napikon ang suspek at walang salitang pinagsasaksak ang biktima bago tumakas habang dinala naman si Escande sa PDMMMC.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.