Mister, Patay sa Bumili ng Kape

HINDI NA nakapag-I love you nitong nakalipas na Valentine’s Day ang mister sa kanyang misis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang bumili ng kape makaraan ang pagtatalo sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Radolfo Danao, 46 ng Dalag St., North Bay Boulevard South ng lungsod habang inilarawan lang ang suspek na semi-kalbo ang gupit.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Evelyn, alas-9 ng gabi, bumili sa kanya ng kape ang suspek sa nasabing lugar at habang iniinom ay nakipagkuwentuhan sa biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang inihagis ng suspek ang kape at galit na tumawag ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka at umalis.

Hindi nagtagal ay bumalik ang tricycle at walang salitang pinagbabaril ng suspek ang biktima bago muling sumakay at tumakas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.