Mister, Patay sa 7 Bulabog

PATAY ANG mister nang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga miyembro ng Siyete Bulabog sa Malabon City kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Eduardo Mondares, 42, ng Gozon Cmpd., Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:30 ng umaga, hinabol ng mga suspek ang biktima sa nasabing lugar at nang maabutan ay pinagtulungang pagsasaksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.