Mister, patay; misis at kaibigan, kritikal sa holdap

MASBATE – ISA NA namang negosyanteng mister ang iniulat na napaslang habang malubhang nasugatan ang misis at kaibigan nito makaraang paulanan ng bala ng mga armadong holdaper sa Barangay Villahermosa, Cawayan, Masbate, kamakailan.

Hindi na umabot nang buhay sa Cawayan District Hospital si Renato Veraces, 31, habang malubha naman ang misis na si Crisely Veraces , 30; at kaibigan na si Enesto Rivera, 53, pawang nakatira sa Barangay Libas sa bayan ng Placer, Masbate.

Batay sa nakalap na report ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng hapon habang lulan ng motorsiklo ang mag-asawa at kaibigan nang harangin ng mga suspek at pagbabarilin.

Kasunod nito, kinuha sa mga biktima ang bag na naglalaman ng malaking halaga, mga dokumento sa negosyo at mga cellphone.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.