Mister, Patay; 3 Kaanak, Kritikal sa Mag-utol

PATAY ANG MISTER habang kritikal ang tatlong kaanak matapos pagbabarilin ng mag-utol nang bubuweltahan ng mga una ang mga huli dahil sa pananapak ng isa sa mga suspek sa kaanak ng mga biktima sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Richard Magtangob, 33, habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Elmer Magtangob, Sr.; at mga anak na si Elmer, Jr. at Delfin, mga nasa hustong gulang at pawang ng Pechayan, Camarin ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mag-utol na Guillermo Verano at Julius, pawang nasa hustong gulang at kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi, bumibili ng sigarilyo sa tindahan sa Pechayan ang kaanak ng mga biktima na si Erwin nang lapitan ni Guillermo at sapakin.

Umuwi si Erwin sa kanilang bahay at nagsumbong sa mga biktima na naging dahilan upang puntahan ang mag-utol upang kumprontahin.

Papalapit pa lang ang mga biktima sa mag-utol ay sinalubong na sila ng mga bala ng mga suspek na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital habang pumuga ang magkapatid.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.