Mister, Niratrat sa Tapat ng Bahay, Todas

TODAS ANG isang mister matapos itong pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Dead-on-the spot sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 na baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Raymundo Cerbito, 49, No. 290 ng Dulong Hernandez, Brgy. Catmon, Malabon City.

Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng mga operatiba ng Malabon Police para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Ayon kay P03 Rommel Habig, ng Station Investigation Bureau and Management (SIBM) ng Malabon Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng tahanan ng mga Cerbito sa naturang lugar.

Nabatid na nakatayo ang biktima ng bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na armado ng kalibre 45 na baril saka pinagbabaril ang suspek na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan saka tumakbo patungong Dumpsite ng nabanggit na barangay.

Sinabi pa ng ilang saksi na nagsalita ang mga suspek na “Walang makialam para walang madamay.”

Patuloy na ring inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa nasabing krimen.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.