Mister ng young actress, 6 months na lang ang taning?!

BAGO NAMIN ISULAT ito ay nagdasal muna kami nang taimtim. Na sana, hindi totoo ‘yung nabalitaan namin.  Na sana, mabigyan pa ng maraming taon ang buhay niya.
Ang tinutukoy namin ay ang napakabatang mister ng isang young actress. Naikuwento lang sa amin ng isang kaibigan na tinaningan na ito ng six months ng doktor.
“Hindi lang malinaw sa akin kung anong klaseng kanser ang dumapo sa mister niya, pero pati nga kami, na-shock sa taning, eh. So, ano ‘yon, nasa fourth stage na ng big C?”
Sinabi pa rin namin sa aming kausap na sana hindi totoo ang kanyang narinig, dahil kung sakaling hindi ito palaring ma-extend pa ang buhay ay maagang mabubiyuda ang misis nitong young actress at ang kanilang anak.
Pero sana, may awa ang Diyos at maghimala, ‘no?
Ipinagdarasal namin ngayon na sana, mali ang balitang nakarating sa amin. Basta kung sinuman ito, parati natin siyang ipagdasal. Munting usal ng dasal ay sapat na para maipakita natin ang ating pagdamay.
(By Ogie Diaz )

Previous articleSame sex blessings
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 86 July 4 – 5, 2011

No posts to display