Mister ng award-winning actress, namimik-ap ng dyoklang operada sa Macau! – Archie de Calma

BLIND ITEM: NA-SHOCK kami sa kuwento ng isa naming kaibigang transexual na naka-base na sa Macau. Aminado siyang she’s into prostitution doon at napagkakamalan nga siyang Chinese dahil sa features niya at marunong na rin kasi siyang magsalita ng Fookien at Mandarin. Naging kostumer daw niya ang asawa ng isang respetadong aktres na award-winning din.

Not much into showbiz si Mister kahit noon ay naging matunog din ang pangalan niya. Noong ikinukuwento nga niya ito sa amin, tiniyak talaga namin kung totoo talaga ‘yun at hindi bunga ng ilusyon niya. Trulili raw at sumumpa pa siyang kahit matigok siya noong oras na ‘yun, totoo lahat ng ikinuwento niya sa amin.

Shocking ito dahil ang lalaking tinutukoy ng friend naming transexual ay disente ang image. Maski nga ang friend namin, nagulat sa kung anong tripping sa sex ni Mister.  Ang akala nga siguro ay Chinese siya dahil nag-pretend siyang hindi makapagsalita ng Tagalog kaya naman walang kaabug-abog na tineyk-home siya at dyinug sa private place na inuupahan nito sa Macau.

Hindi kaya mahimatay si Misis kung madiskubre niya ang kakaibang hilig ng Mister niya, ang mag-pick-up ng mga dyoklang operada, at dumarayo pa ito ng ibang bansa para hindi mabuking! Ang suspetsa ng friend namin, mahilig sa adventures sa kama si Mister at ang pagiging halimaw niya sa kama ay malamang hindi matumbasan ng kanyang Misis.
HINDI NA MAITAGO ang pakikipagrelasyon ni Maja Salvador sa isang binatang nagngangalang Rambo Nuñez, anak ni Marilen Nuñez na sekretarya ni Richard Gomez. All out ang photos nila together. Talagang pinutakti sila ng mga paparazzi, huh! Walang nagawa siyempre si Maja rito.

Pero, ang maganda sa binata, mukhang seryoso siya kay Maja. Lumitaw siya sa isang taped interview sa Entertainment Live! sa ABS-CBN at sinabi nga niya na they’re getting there. Malaki nga namang kaibahan si Rambo sa ibang showbiz guys na na-link kay Maja, and in the same segment sa E-Live!, maski ang isyu ng tila pag-aagawan noon ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz ay nakalkal, lumitaw pang parang nagdi-dilly-dally sa pagsagot sa taped interview si Rayver.

Isang bagay na tila ikinairita pa ni Maja, at kitang-kita ito sa reaksiyon niya sa interview ni Toni Gonzaga sa kanya. Mabuti na nga lang, may isang Rambo Nuñez na talagang ipinagmamalaki si Maja at wala itong kabalak-balak na mag-deny sa kung ano ang namamagitan sa kanila.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Mister ng award-winning actress, namimik-ap ng dyoklang operada sa Macau! – Archie de Calma

  1. fyi si maja ang may gusto kay rayver pero si rodjun ang nagkagusto kay maja…hindi type ni rayver si maja….denial king ever yang si rayver kaya hindi sisikat masyadong sinungaling,showbiz na showbiz….

Leave a Reply

Your email address will not be published.