Mister, naputukan ng nilalarong baril ni misis

SUGATAN ANG ISANG mister matapos aksidenteng mabaril ng kanyang misis nang pumutok ang pinaglalaruang baril ng una habang nag-iinuman sa Valenzuela City noong nakaraang linggo.

Dinala sa Meycauayan Doctor Hospital sanhi ng tama ng bala hindi pa batid na kalibre sa kaliwang balikat si Rodolfo Teodosio, 47 ng Fernando St., Malanday ng lungsod.

Nawawala naman ang asawa nitong si Grace, 37 ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-5 ng hapon, nag-iinuman ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang ilabas ni Rodolfo ang nakatagong baril.

Kinuha naman ito ni Grace at pinaglaruan subalit aksidenteng pumutok at tinamaan si Rodolfo.

Matapos ang insidente ay dinala sa nasabing ospital si Rodolfo habang hindi pa lumulutang si Grace na dala ang baril.

(MARY. H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.