Mister, nangulila sa mga anak at asawa, nagbigti

PATAY NA nang makita ang mister matapos mangulila sa mga anak at asawa sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ruel Resureccion, 35, ng Libis Talisay ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rommel Bautista, alas-7:10 ng gabi nang nakitang nakabigti ng cable wire sa loob ng kanilang bahay ang biktima ng kaibigan na hindi na nakuha ang pangalan.

Nakasulat sa likod ng picture frame ng kanyang panganay na si Kaye ang suicide note kung saan humihingi ng pasensiya kung naging masama siyang ama at sinabing mahal na mahal sila ng biktima.

Lumalabas na kararating lang mula sa ibang bansa ng asawa ng biktima na hindi na nakuha ang pangalan kung saan naghiwalay at isinama ni misis ang mga anak na naging dahilan upang mangulila ang biktima hanggang sa magbigti.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.