Mister, Nakaluhod Pa Nang Matagpuang Patay

NAKALUHOD PA NANG matagpuang ang patay ang isang mister matapos itong barilin ng isa sa dalawang ‘di kilalang salarin habang ang una ay naglalakad kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa likod ang biktimang si Rodolfo Pacheco, 59, ng Valdez St., Brgy. Catmon, Malabon City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa tunay na pagkakakilanlan ng suspek na si aka ‘Noel’ ng Martiniko St., Brgy. NBBS, Navotas City at hindi kilalang kasama nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-6 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Martiniko St., Cor. Lapu-lapu Ave., Longos ng lungsod nang biglang sumulpot sa likuran nito ang mga suspek.

Dito, walang sabi-sabing pinutukan ng suspek ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan kung saan nakaluhod pa ito.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Mister, Nakaluhod Pa Nang Matagpuang Patay

  1. Pingback: Mister, Nakaluhod Pa Nang Matagpuang Patay - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.