Mister, Nagbigti sa Loob ng Simbahan

DAHIL SA umano’y problema nilang mag-asawa ang nagtulak upang tapusin na ng isang mister ang kanyang buhay sa loob ng kapilya sa Barangay Almieda, bayan ng Balaoan, La Union.

Ayon kay Jasmine Cristi, misis ng biktimang si Melchor Neridad Cristi, na mayroon silang tampuhan ng kanyang mister.

Hindi umano akalain ng misis na magagawa ng kanyang mister ang magbigti sa chapel dahil magkasama pa sila bago nangyari ang insidente.

Labis naman ang pagdadalamhati ni Jasmine dahil nais ni Melchor na sila ay magkaayos noong ito ay na-bubuhay pa.

Una rito, natagpuan na lamang na nakabitin ang katawan ng nasabing lalaki gamit ang isang lubid sa loob ng chapel kamakalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.