Mister, nagbigti nang awayin ng kabit

 

ISANG MISTER ANG nagpasyang wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos umanong awayin ng kanyang ‘kabit’ kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Wala nang buhay ng idating sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang si Arturo Pascual, 45, may-asawa, mensahero, ng Marikit St., Brgy. Tanza, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa nasabing lugar kung saan nakabigti gamit ang lubid na nakapulupot sa leeg at nakatali sa kisame ng kanyang silid.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Ferdie Pascual, nasa hustong gulang, gigisingin na sana nito ang kanyang ama upang mag-almusal subalit laking gulat na lamang nito nang bumulaga sa kanyang harapan ang amang nakabigti.

Dito, dali-dali niyang kinalas ang tali sa leeg at dinala sa nasabing pagamutan ang ama, subalit wala na itong buhay.

Ayon naman sa ilang kaanak ng biktima, bago ang insidente, galing umano ito sa bahay ng kanyang kabit na hindi ibinigay ang pangalan kung saan nagtalo ang mga ito.

Hindi naman nagbigay sa pulisya ng kanyang salaysay ang asawa ng biktima na si Gracia Pascual at hindi na rin nito ipapasailalim pa sa autopsy ang bangkay ng asawa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.