Mister, nagbigti dahil sa kahirapan

NAGBIGTI ANG ISANG mister sa loob ng kanilang bahay nang hindi na makayanan ang kahirapan sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si John Paul Pradez, 26 ng Piscadores St., North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:25 ng hapon nang makita ng kanyang kuya na nakabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kuwarto nito.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa TMC subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Bago ang insidente ay madalas na dumaing ang biktima dahil sa kahirapan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Mister, nagbigti dahil sa kahirapan

Leave a Reply

Your email address will not be published.