Hiniwalayan ni misis Mister, nagbaril sa ulo

MINABUTI NA LAMANG ng isang mister na wakasan ang sariling buhay matapos itong magbaril sa ulo sa halip na magsolo sa buhay nang hindi umano nito matanggap na iwan ng kanyang misis na mag-isa kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang idating sa Manila Central University Hospital, Caloocan City, sanhi ng tinamong tama ng bala ng .38 kalibre na baril sa ulo ang biktimang si Mark Cesar Gutierrez, 32, may-asawa, ng No. 203 Malolos Ave. East, Brgy. 157, X-14, D-1 Bagong Silang, Bagong Bo, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, gabi huling nakitang buhay ang biktima na umiinom ng alak at aburido sa buhay nang hindi umano nito matanggap na iwan siya ng kanyang asawa.

Hanggang sa makarinig ng isang putok ng baril ang ilang malapit na kaanak ng biktima na nagmumula sa loob ng bahay nito. Agad nilang tinungo ang bahay ni Gutierrez at dito tumambad sa kanilang harapan ang duguang katawan ng biktima na nakahiga sa sahig katabi ang .38 cal.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya, upang alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play sa naturang insidente. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.