Mister, Nagbaril sa Sarili sa Harap ng Misis

NAGPATIWAKAL ANG isang 24-anyos na mister na nagbaril sa sarili sa harap ng kanyang misis sa Barangay Comon, Aritao, Nueva Ecija, ayon sa report kamakailan.

Kinilala ng mga kinauukulan ang nasabing biktima na si Romnick Austria, cashier sa gasolinahan na pag-aari ng alkalde sa naturang bayan.

Sinabi ni P/Chief Insp. Chevallier Iringan, hepe ng Aritao PNP na ang insidente ay hindi ipinaabot sa himpilan ng pulisya hanggang sa maisalaysay ang insidente kay PO2 Cabading na agad naman na nagsagawa ng imbestigasyon.

Lumalabas sa pagsisiyasat, napag-alamang nag-suicide ang biktima noon pang Biyernes ng gabi (Hulyo 19).

Isinagawa ng biktima ang pagbaril sa kanang leeg na tumagos sa kaliwang leeg sa harapan pa ng kanyang misis na sinasabing nagdadalang-tao.

Samantala, naisugod sa Veterans Regional Hospital sa bayan ng Bayombong ang biktima bago inilipat sa  ospital sa Metro Manila subalit  binawian din ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.