Mister na OFW at bebot, kulong sa ipinagpatuloy na pag-ibig

PAREHONG KALABOSO ang isang lalaking OFW at ang kareslasyon nito makaraang kasuhan ang mga ito ng tunay na asawa ng lalaki matapos na mahuli sa akto ni misis ang magkalaguyo na magkahawak ng kamay sa loob ng isang mall sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Ang dalawang inireklamo ay sina Anthony Oliveros, 32, residente ng Obando, Bulacan at Jasmine Delia, ng Binangonan St., Barangay 31, Bagong Barrio, Caloocan City. Habang ang nagreklamong misis naman ay si Elizabeth Oliveros, 25, anyos, bank teller at residente ng Obando, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Women and Children’s Concerned Desk ng Caloocan City Police, dakong alas-12:00 ng tanghali nang mahuli ni misis ang kanyang asawa at kalaguyo sa loob ng isang mall sa nasabing lungsod.

Hindi gumawa ng eskandalo si Oliveros, bagkus ay sinundan na lamang nito ang ang dalawa sa kanilang pag-uwi atnagtanong-tanong ang biktima sa mga kapit-bahay ng dalawa at positibong sinabi na noong nakaraang Hunyo pa nagsasama sa ipinatayong bahay ng OFW.

Sa nasabing buwan din nag-umpisang hindi na sila padalhan ng suporta ng asawa, at maging kausapin man lamang ay hindi nito ginawa. Sinabi lamang na hindi pa umano sila muna pinapasahod sa kanilang pinagtatrabahuhan at hindi na muna umano siya makapagpapadala. Mula noon, hindi na nakipag-usap nang maayos ang kanyang asawa na sa tuwing tinatawagan niya ay laging nagmamadali hanggang tuluyan nang hindi siya kausapin at laging pinagtataguan.

Hindi nag-aksaya ng oras ang biktima at nagtungo sa himpilan ng pulisya bitbit ang mga katunayan na kasal siya sa lalaking Oliveros, dahilan upang agad na imbitahan sa himpialn ng pulisya ang huli at kalaguyo nito.

Napag-alamang dati umanong magkasintahan na ang mga suspek mula pa noong high school pa sila, ngunit nagkahiwalay dahil sa pagloloko ng lalaking Oliveros, hanggang magkita sila sa ibang bansa at doon na muli nagkamabutihan. Sa huli ay nagpasya ang lalaki na makisama sa kabit at iabandona ang asawa at mga anak.

Samantala, kasaluku-yang nasa kustodiya ng Caloocan City detention cell mga suspek na pawang nahaharap sa kasong Concubinage. karagdagang kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang kakaharapin ng lalaking Oliveros dahil sa pag-aabandona nito sa kanyang mag-iina.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.