Mister na nilayasan ng mag-ina, nagbigti

LA UNION – NAGBIGTI ang isang mister matapos itong layasan ng kanyang mag-ina sa Barangay Cadaclan, San Fernando, La Union.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Raffy Rivera, 36, residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat na nakalap mula sa San Fernando PNP, nadatnan na lamang umano ng mga kaanak ng mister na nakabitin ang biktima sa loob ng kanyang bahay kamakailan.

Isang nylon cord ang ginamit ng biktima na itinali sa kanyang leeg at sa bubungan ng bahay, sa ginawang pagpapakamatay.

Nabatid ng pulisya sa mga kaanak ng mister na apat na buwan na umano itong iniwan ng kanyang mag-ina dahil sa hindi nila pagkakaunawaan na mag-asawa. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.