Mister na nang-rape ng 2 anak, kinampihan ni misis

NAHAHARAP SA kasong rape ang isang 47-anyos na ama matapos umanong halayin ang dalawang sari-ling anak sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Base sa report mula sa National Bureau of Investigation (NBI-1) na nakabase sa San Fernando, La Union, naghain ng reklamo ang magkapatid na edad 10 at 11 sa tulong ng mga social worker.

Sinabi ng NBI na malakas umano ang ebidensiya laban sa suspek base na rin sa naging resulta ng medico legal at sa naging pahayag ng 2 bata.

Sa kabila naman ng mga sumbong ng mga bata sa sariling ina, hindi sila pinaniniwalaan nito.

Dahil dito, kinupkop na lang ng mga social worker mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima at nasa pangangalaga na ang mga ito ng Home for Girls sa Agoo ng nasabing lalawigan. (PARAZZI RE-

PORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.