Mister na nag-ala cowboy sa burol, kulong

SWAK SA KULUNGAN ang mister matapos magwala at magpaputok ng baril sa tapat ng lamayan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearm at Alarm and Scandal si Eugenio Quintos, 44 ng Manga St., Amparo ng lungsod.

Base sa ulat, ala-1:30 ng hapon, galit na nagwawala ang suspek sa Cauayanan St., Amparo kung saan may nakaburol hanggang sa magpaputok ng baril.

Nabulabog ang mga nakikiramay na naging dahilan upang tumawag ng mga pulis.

Nang respondehan ay inabutan ang suspek at nakuha ang kalibre .45 na walang kaukulang papeles na naging dahilan upang bitbitin sa presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung bakit nagwawala ang suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.