Mister na May TB, Nagpakamatay

NAGPASYANG WAKASAN NG isang mister ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi umano nito makayanan ang sakit na Tuberculosis kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang biktima na wala nang buhay nang matagpuan ay si Vicente Glen Orcajoy Anangca, 49, ng No. 543 Candy St., T. Santiago Subd., Brgy. Malanday ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:15 ng gabi nang matagpuan ng kanyang asawang si Ana Victoria, ang biktima na nakaupo sa silya habang nakapulupot sa leeg nito ang isang nylon cord na nakatali ang dulo sa konkretong poste ng balkonahe ng kanilang bahay. Dahilan upang itawag ng misis ng biktima ang nasabing insidente upang ipaalam sa pulisya.

Isang suicide note naman ang nakita sa tabi ng bangkay ng biktima at naglalaman ng “Ma pagod na ako masyado ayoko na, palakihin mo ang mga bata pasensya ka na sa akin, sa barangan mo ako ilaglag”.

Ayon sa asawa ng biktima matagal nang iniinda ng biktima ang sakit nitong TB.

Patuloy naman inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.