Mister na makulit sa kalabit, nakatikim ng tadyak-kabayo kay misis

BASAG ANG NGUSO at puro bukol ang inabot ng isang mister dahil sa pagpupumilit na makaiskor kay misis sa bayan ng Daraga, Albay noong Sabado ng gabi.

Sa ulat na ipinarating ng Daraga Municipal Police Station sa Camp Crame, dumulog sa kanilang himpilan ang mister na si Gerson “Marky” Guerrero Y Castro, 31, residente ng Brgy. Bagumbayan, Daraga, Albay upang ireklamo ang kanyang misis na si Maura.

Sa salaysay ni Guerrero sa pulisya, alas-9 ng gabi nang magkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis subalit sa hindi malamang dahilan ay biglang na-highblood si Maura at walang sabi-sabing pinagsasampal at tinadyakan siya nito.

Makaraang magreklamo sa pulis ay dinala si Guerrero sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital upang malapatan ang mga sugat nito sa mukha na noo’y namumuo na ang dugo.

Ayon naman sa kaanak ni Maura, posibleng nakulitan sa pangangalabit ang ginang dahilan kaya nag-init ang ulo nito saka nanakit.

Hinala rin ng mga kaanak na lasing na umuwi si Guerrero dahil iyon ang labis na ikinagagalit ng biktima sa asal ng asawa.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.