Mister, Kulong sa Pambubugbog sa Misis

KULONG ANG isang mister matapos kaladkarin at bugbugin ang asawa sa bahay ng tiyahin ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong violation against wowen’s and their children’s si Bernie Billones, 35 ng Riverside , Valenzuela City .

Batay sa ulat, alas-11 ng umaga, pinuntahan ng suspek ang asawang si Esperanza, 30, sa bahay ng tiya sa Binangunan St., Maypajo ng lungsod.

Kinaladkad papalabas ng bahay ang biktima bago ginulpi ng suspek na naging dahilan upang tumawag ng mga pulis ang mga kaanak ng una.

Nang respondehan ay hindi na nanlaban ang suspek at dinala sa presinto bago sinampahan ng nasabing kaso.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pananakit ng suspek sa asawa.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.