Mister, Kulong sa Pagsipsip ng Krudo

KULONG ANG isang mister habang nakatakas ang dalawang hindi pa kilalang kasama matapos sipsipan ng krudo ang nakaparadang fire volunteer truck sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Philip Maniego, 35 ng Phse 3, Longos ng lungsod habang inaalam na kung sino ang dalawa pang kasama ng una na nakatakas.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, sakay ang mga suspek sa tricycle na kulay pink (TZ-3907) at tinabihan ang fire volunteer truck ng San Agustin na nakaparada sa Sangciangco St., Niugan ng lungsod bago sinipsipan ng krudo.

Nagising naman ang volunteer na si Tyrone Tajaran, 18, na naging dahilan upang sigawan ang mga suspek na mabilis na nagsitakas dala ang tricycle.

Nakahingi ng tulong sa mga pulis si Tajaran na na-ging dahilan upang habulin ang mga suspek at bago maabutan ay nagawang makatalon ng dalawang nakatakas na suspek.

Nabawi sa nadakip ang aabot sa 70 litro ng diesel na nakalagay sa container habang dinala si Maniego sa presinto at ang tricycle na ginamit.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.