Mister, kulong sa ninakaw na hotdog

SWAK SA KULUNGAN ang isang mister nang pagnakawan nito ng hotdog ang kumpanyang kanyang pinapasukan kahapon ng hatinggabi sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Theft ang suspek na si Gilbert Valencia, 27, may-asawa, storage boy, ng Block 20, Lot 29, Phase 1-B, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa loob ng kumpanyang pinapasukan ng suspek sa Gate Vifel No. 2 M. Naval St., cor. Lapu-Lapu St., ng nasabing lungsod.

Palabas na ang suspek ng gusali, subalit pagdating sa security guard ay tinitignan ang bag nito at dito nakita ang isang supot na naglalaman ng 2 kilo ng cheese hotdog na nagkakahalaga ng P390.00.

Dahilan upang dalhin sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek at sinampahan ng naturang kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.