Mister, Kulong sa Mga Pekeng Lisensiya

KULONG ANG isang mister dahil sa pagbibigay ng mga pekeng lisensiya sa pagmamaneho kapalit ng pera sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Falsification of Public Documents at Swindling si Sheral Dumlao, 29, LTO fixer ng Arasity, Tinajeros, Malabon City.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang mga pulis na peke ang ibinibigay na driver’s license ng suspek na naging dahilan upang magsagawa ng entrapment.

Isang pulis ang nagpunta sa Land Transportation Office sa Araneta Avenue, Caloocan City at pinagtanung-tanong ang suspek dakong alas-4 ng hapon.

Nang makita ay nagpanggap na magpapakuha ng lisensiya kapalit ng hindi na sinabing halaga ng pera at makalipas ang ilang sandali ay ibinigay na ng suspek ang lisensiya ng pulis na nagpanggap na costumer na naging dahilan upang dambahin si Dumalao.

Matapos i-check sa LTO Main Office ang lisenisyang galing sa suspek at makumpirang peke ay agad na sinampahan ng mga nasabing kaso si Dumlao.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.