Mister, Kritikal sa Pagtawa sa Loob ng Dyip

KRITIKAL ANG isang mister matapos tusukin ng hindi pa kilalang lalaki na naiinis sa una dahil sa pagtawa habang sakay ng jitney sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tusok ng icepick sa likod si Dennis Santos, company agent, ng Teacher’s Village, Malabon ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8:50 ng gabi, kasama ng biktima ang asawa sa loob ng dyip na nagkukuwentuhan nang biglang mapatawa nang malakas si Santos.

Nabuwisit ang kasakay na lalaki at pumara sa M. Naval St., North Bay Boulevard North bago bumaba.

Bago muling tumakbo ang dyip ay nakabunot ng icepick ang suspek at walang babalang tinarakan ang nakatalikod na biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.