Mister, kritikal sa pagpapahangin

KRITIKAL ANG ISANG mister matapos saksakin ng kaaway habang ang una ay nakaupo at nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Jenieboy Obiaz, 43, ng C-3 Rd., Virgo Drive ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Noynoy at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, alas-7 ng gabi, nakaupo at nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang suspek at agad na tarakan ang biktima.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC kung saan inaalam na ang mo-tibo ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.