Mister, kritikal sa ganti ng anak ng kaaway

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang mister matapos itong patalikod na saksakin ng kanyang kapitbahay nang makitang nagtatalo ang una at ama ng huli kagabi sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa East Avenue Medical Center, Quezon City sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod ang biktimang si Gerald Daze, 45, laborer, ng Phase 1, Package 1, Block 18, Lot. 11, Bagong Si-lang, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Christopher Bolante, aka Boyet, nasa hustong gulang, kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ang insidente, nakita ng suspek ang biktima at tatay nito na si Melito Bolante na nagtatalo, dahil dito agad na nilapitan ng suspek ang nakatalikod na si Daze at sinaksak.

Mabilis na tumakas ang suspek sa di-malamang direksyon habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima, kung saan nasa maselang kalagayan ito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.