Mister, Kritikal Kina Pacquiao at Donaire

KRITIKAL ANG isang mister matapos pagsasaksakin ng kainuman nang magtalo kung sino ang mas magaling kina Pacquiao at Donaire habang nag-iinuman sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Jay-Ar Rodriguez, 28, ng Phasse 1-A, ng lungsod.

Nadakip naman si Roberto Illustrisimo, 43 ng Catleya St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, kainuman ng biktima ang suspek sa lugar ng una nang magkaroon ng pagtatalo kung sino ang mas magaling kina Pacquiao at Donaire.

Dahil magkaiba ng manok ay nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa umalis ang suspek subalit pagbalik ay walang salitang pinagsasaksak ang hindi na nakapormang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.