Mister, Kinatay sa Sariling Junkshop

PATAY NA nang makita ang isang mister sa loob ng pag-aaring junkshop at nakabalot ng sako ang ulo sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Bernardo Dillena, 57, ng Alcamar St., Wawang Polo ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:40 ng umaga, papasok ang helper na si Joana Orogo sa junkshop ng nasabing lugar nang makita ang amo na nakahandusay habang nakabalot ng sako ang ulo.

May mga sugat sa katawan at ulo ang biktima kung saan iniimbestigahan kung ano ang motibo sa nasabing insidente, dahil wala umanong nawala sa mga gamit ni Dillena.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.