Mister, kinatay sa harap ni misis

PATAY ANG ISANG mister matapos itong pagtulungan pagsasaksakin ng apat na vendor sa harap ng kanyang misis habang ang una ay naghihintay ng pasahero sa tapat ng terminal kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Binawian ng buhay nang idating sa Commonwealth Hospital and Medical Center, Fairview, Quezon City sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marlon Pragacha, 32, may-asawa, driver, tubong Samar, ng Phase 12, Block 20, Lot. 6, Bgy. 188, Caloocan City.

Nadakip naman ang isa sa apat na suspek na si Francisco Reyes, 19, vendor, binata habang pinaghahanap naman ang apat nitong kasamahan na sina Dennis Eugenio, 24, binata, vendor; Roy Viernes, 18, binata, vendor; at Raymond Guinto kapwa ng No. Sampaguita St., Bgy. 185, Malaria Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng Ascoville MBRTODA Terminal na matatagpuan sa Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod.

Ayon sa asawa ng biktima na si Lennette, 25, nag-aabang sila ng pasahero nang bigla na lamang sumulpot ang apat ng suspek na armado ng patalim at walang sabi-sabing pinagtulungan saksakin.

Matapos ang insidente ay nagpulasang tumakas ang mga suspek subalit minalas si Reyes at nahuli ito ng mga nagrespondeng barangay tanod at nakuha mula rito ang patalim na ginamit sa krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matin-ding galit ang tinitingnang anggulo sa pagpaslang kay Pragacha.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.