Mister, Kinatay Paglabas ng Videoke Bar

PATAY ANG isang mister matapos itong pagsasaksakin ng isang grupo ng di-pa nakikilalang kalalakihan nang abangan ang una paglabas ng videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang ida-ting sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jimmy Apilinan, 35 may asawa, ng 131 Sanciangco St., Brgy. Catmon, Malabon City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng Triple 8 videoke bar na matatagpuan sa C-4 Road, Caloocan City.

Nabatid na kalalabas lang ng biktima sa nasabing videoke bar nang bigla na lamang itong habulin ng mga suspek at nang maa-butan ay pinagtulungan itong saksakin saka nagsitakas.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan din ito ng hininga.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.