Mister, kinarit si misis

PINAGSISISIHAN NG isang 49-anyos na mister ang ginawang pagpatay sa sariling misis sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg nito gamit ang karit sa Barangay Balucuan, Dao, Capiz.

Ayon sa suspek na si Jose Barrios, nagkasagutan sila ng asawa na si Myrna Barrios, 51, dahil sa pagpapagamot nito sa dinaramdam na sakit ng tiyan.

Nagdilim ang pa-ningin ng suspek sa sobrang inis dahil sa kanilang pagtatalo tungkol sa kanyang pagpapa-ultrasound matapos magduda na nalason sa kinaing nilagang baboy na ibinigay at pilit na ipinakain sa kanya ng misis.

Sinabi pa ng salarin na hindi niya sinasadyang tamaan sa leeg ang asawa matapos na sila’y mag-agawan ng karit na ginagamit sa vulcanizing shop.

Napag-alaman pa na ilang buwan pa lamang na nagkabalikan ang mag-asawa makaraan ang halos 10 taong pag-hihiwalay kung saan may isang 12-anyos na anak ang mga ito.

Desidido namang magsampa ng kaso ang pamilya ng nasawing misis. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.