Mister, Ipinagpalit ni Misis sa Textmate

LABIS ANG kalungkutang nararamdaman ngayon ng 37-anyos na mister matapos hindi na umuwi ang kanyang 27-anyos na misis na umano’y sumama sa textmate sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Sa ulat ng San Fernando City Police Station, mag-iisang buwan na umanong hindi umuuwi ang misis sa kanilang tahanan simula pa noong July 19, 2013.

Naniniwala si Rico, hindi tunay na pangalan, na sumama umano ang kanyang asawa sa textmate nito dahil may nakapansin na may dala itong malaking bag na puno ng mga kasuotan.

Nabatid pa sa mga pulis na bago umano naglayas si alyas Maurine, napapansin umano ng asawang lalaki na palagi itong nakangiti at masaya sa pakikipag-text.

Minsan nang tinanong ng mister ang asawa nito kung sino ang madalas nitong ka-text at ang tanging sagot nito ay ang kanyang pinsan.

Bunsod nito’y hindi rin umano alam ni mister ang dahilan ng pagtataksil ng kanyang asawa.

Samantala, umaasa naman ang mister na matatagpuan din ang kanyang asawa sa tulong na rin ng mga kinauukulan.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.