Mister, Huli sa Akto ng Misis habang Minomolestiya ang Anak

IPINAKULONG NG ISANG misis ang kanyang mister matapos na maaktuhan nito ang suspek na minomolestiya ang kanilang 11-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police Station at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law) ang suspek na itinago sa pa-ngalang Mang Mario, nasa hustong gulang, upang mapangalagaan ang pagkakakilanlan ng biktima na itinago naman sa pangalan Lucy, 11, kapwa residente ng Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Jude Wilson Santos, hepe ng Caloocan-PNP, nabatid na dakong alas-10 ng gabi nang maaktuhan ni Aling Lily (‘di tunay na pangalan) ang kanyang mister habang minomolestiya ang biktima.

Ayon kay Aling Lily, magkakatabi umano silang natutulog na mag-anak nang maalimpungatan dahil sa paulit-ulit na paggalaw ng higaan.

“Laking gulat ko na lamang nang makita kong hawak-hawak ng mister ko ang dibdib ng anak namin habang ipinapahimas ang kanyang ari!” dagdag pa ni Aling Lily habang isinasalaysay ang insidente sa pulisya.

Sinaway ng ginang ang nasaksihang kahalayan subalit sa halip na tumigil ay suntok at tadyak ang isinagot ng mister kaya hindi nakatiis ang ginang at nagtatakbo palabas ng bahay bago humingi ng tulong sa mga nagpapatrolyang barangay tanod na dali-dali namang rumesponde na nagresulta sa pagkakaa-resto sa suspek.

Sa presinto, napag-alaman mula sa biktima na makailang ulit na umano itong pinagsasamantalahan ng sariling ama tuwing wala sa bahay ang kanyang ina.

“Tuwing wala po si Nanay ay lagi pong pinahahawak sa akin ni Itay ‘yung ari niya at kapag tumanggi ako ay sinasaktan po niya!”dagdag pa ni Lucy.

Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip ang ginang na tulyang sampahan ng mga nabanggit na kaso ang mister nang sa gayon ay hindi na nito muling magawa ang pang-aabuso sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.