Mister; hipag, initak ni misis

KULONG ANG ISANG 48-anyos na babae matapos na pagtatagain ang kanyang mister at ang kanyang hipag noong umaga ng Biyernes sa Brgy. Capulaan, Villasis, Pangasinan gamit ang isang matalas na itak.

Kinilala ang suspek na si Angelita Macanas na ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Villasis Police Station matapos na pagtatagain ang kanyang mister na si Antonio at ang hipag na si Virgina Macanas.

Base sa imbestigasyon, bago nangyari ang pananaga ng suspek, mainit na nagkasagutan ang mag-asawa.

Nabatid na bago pa man magkasagutan ang dalawa, may hawak-hawak na itak at martilyo na ang suspek.

Nabigla umano ang biktima nang sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay sunud-sunod na lamang siyang a-takehin ng taga ng suspek.

Matapos iwanan ang mister na sugatan, agad na nagpunta sa bahay ni Guillermo Macanas ang suspek at walang sabi-sabing pumasok ito sa loob.

Nang makita ng suspek si Virgina, bigla itong sinugod at hinalihaw din ng taga sa hindi matukoy na dahilan.

Agad na dinala sa malapit na pagamutan ang magka-patid na kapwa nagtamo ng grabeng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan matapos ang insidente.  (ROLANDO S. GAMOSO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.