Mister, Grinipuhan ng Barker

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang mister matapos itong saksakin ng barker nang magtalo ang mga ito kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Isinugod sa Valenzuela General Hospital sanhi ng malalim na saksak sa tiyan ang biktimang si Jonhly Lagnot, 36, ng Lupang Compound, Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Valenzuela City Police at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek na si Anthony Macaranog, 35, ng No. 4264 NPC Bagbagiun, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang suspek sa tapat ng Puregold, Paso de Blas, ng nasabing lungsod.

Hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo, dito agad na binunot ng suspek ang sukbit nitong patalim at sinaksak ang biktima.

Ilang concerned citizen naman ang nagsugod sa nasabing pagamutan kay Lagnot upang lapatan ng lunas ang tinamong sugat, kung saan habang inuulat ito ay nasa malubhang kalagayan.

Hindi naman nagawa pang makatakas ni Macaranog matapos rumesponde ang mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.