Mister, Dinakot ang Ari ng Nene

SWAK SA kulungan ang isang mister matapos dakutin ang ari ng isang nene na kasamang naglalako ng mais ng ina sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Child Abuse si Victorino Tuazon, 53 ng Katipunan St., Muzon ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon, kasamang naglalako ng mais ng kanyang ina ang biktimang edad 6, residente ng Bayan-Bayanan at pagsapit sa Kagitingan St., Muzon, kapwa ng lungsod ay dinaklot ng suspek ang ari ng nene.

Ilang residente ang nakasaksi sa pangyayari na tumawag ng mga barangay tanod na naging dahilan upang damputin ang suspek at dalhin sa presinto.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.