Mister, ‘Di Nagoyo; Tinuluyang Holdapin

TINULUYANG HOLDAPIN ang isang mister ng dalawang lalaki matapos tumanggi ang una sa alok na ipagpalit ang cellphone sa singsing ng isa sa mga huli sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nadakip naman sina Crisolo Diaz, 42, ng Marikina City; at Marlon Roque, 35, ng Coloong, Valenzuela City.

Sa ulat, alas-8 ng umaga, naglalakad si Rolly Padaong, 27, sa Paso De Blas Rd., Paso De Blas ng lungsod nang lapitan ni Diaz at alukin ng singsing kapalit ng cellphone ng biktima.

Hindi pumayag ang biktima na naging hudyat upang lumapit si Roque sabay tutok ng patalim kay Padaong.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone at P650 cash ng biktima bago nagsitakas.

Nakahingi ng tulong ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek kung saan nabawi naman ang mga nakulimbat.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.