Mister, binuntis ang dalagitang kapitbahay

KULONG ANG ISANG mister matapos mabuntis ang kapitbahay na dalagita sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong Multiple Rape at Child Abuse si Rolando Nono, nasa hustong gulang ng Bagong Si-lang ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 16, pinapasok siya sa kanilang bahay at hinahalay ng suspek kapag wala ang mga magulang ng dalagita.

Hindi agad nakapagsumbong sa mga magulang ang biktima dahil tinatakot siya ng suspek.

Nabisto lang ang ginagawa ng suspek nang malamang buntis ng tatlong buwan ang biktima at nang tanungin kung sino ang ama ay itinuro si Nono.

Agad na sinamahan sa presinto ang biktima na naging dahilan upang damputin kamakalawa ang suspek.    (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.