Mister, balik-preso; ‘Di Nasarapan sa Ulam, Inumbag ang Misis

BALIK-SELDA ANG dating bilanggo makaraang saktan ang asawa dahil hindi nasarapan ang una sa inihaing ulam ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa kasong Violence Against Women and Their Children si Norberto Araneta, 44, ng PNR Compd., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Patricia, 43, alas-12 ng tanghali nang magising ang suspek at nagtatanong kung ano ang ulam.

Sinabi naman ng biktima na gulay ang kanilang ulam na bigay pa ng kapatid ng una.

Nagsimulang kumain ang suspek subalit hindi nagustuhan ang lasa dahil walang sahog na ikinagalit ng suspek sabay bato ng kutsara sa mukha ng asawa.

Pinagsusuntok pa ng suspek sa tagiliran ang biktima at nang makahulagpos ang huli ay humingi ng tulong sa mga tanod at ipinadakip ang asawa.

Nabatid na noong 2010 nang makalaya ang suspek matapos masangkot sa droga.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.